Mahika
Gayuma...ito ang naiisip kong paraan
para mapaibig ko ang aking hinahangaan.
Masasabi kong nasa kanya na ang lahat...
lahat ng magagandang katangian.
Batid ko ang panganib na dulot nito,
pero paano naman ang aking puso?
Taglay ang kapangyarihang sa aki'y ipinamana,
ang taong iyon ay mapapasaakin na.
Subalit naalala ko ang paalala ni ina
na hindi solusyon ang gayuma.
Sabi niya pa'y tunay dapat ang pag-ibig
at hindi iyong nadala lamang ng itim na mahika.
Lumipas ang taon, nagkamabutihan kami ng loob.
Nalaman ko ang kanyang niloloob.
Sa mga oras na iyon, ligaya ang nadarama ko
lalo pa nang hingin niya ang kamay ko.
Lumipas pa ang ilang buwan
at kami'y naging mag-asawa.
Doon ko napatunayan ang bilin ni ina
na tunay na pag-ibis ang pinakamakapangyarihang mahika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento