Lunes, Disyembre 9, 2013




             #L.O.L
      (Laughing Out Loud)

   Ngiti... 
   Tawa... 
   Hagikhik... 
   Bungisngis... 
   Hagalpak...

   Mga gawaing pinapangarap nating ma-experience kahit man lang minsan sa'ting buhay. Ang sarap kayang tumawa, di ba? Pakiramdam mo, malayo ka sa mundo kung saan ka nag-e-exist. Yung feeling na you're almost touching the clouds and you're wandering all over the azure boundless sky. The feeling is ecstatic kumbaga. 
                                       

   Oo, masarap tumawa na para bang wala ng makakapigil pa sa'yo. Ni wala nga tayong pakialam kahit pa magmukha na tayong baliw sa paningin ng iba, dahil sa ating walang-kamatayang pagtawa. Ang mahalaga ay 'yung sense of joviality prevailing within our system. Wag lang naman sana umabot sa point na malalagutan ka na ng hininga dahil sa kakatawa. Pero aminin mo, gusto mo na kung sakali mang lilisan ka sa mundong ito, masaya't nakangiti ka sa huling sandali ng iyong buhay, di ba? Ganundin ako pati na 'yung mga taong nasa paligid mo. 
                                           

   Pero, beyond all of these is the fact that genuine happiness is not that easy to achieve. Di ito gaya ng mga panindang junk foods at Beefies hotdog na nabibili ng piso-piso o natitingi. Di rin naman ito nabibili ng wholesale sa Divisoria. Kahit pa nga makipag-barter ka ng mamahaling porselana, walang makikipagkalakal sa'yo nito. Kasi, marami ang handang gumawa ng kahit anong paraan na naiisip nila para lang matikman ang ligayang hinahanap-hanap ng kanilang damdaming pukaw ng kalungkutan. It's priceless. To earn happiness, we have to work for it. Besides, nakasalalay ang lahat ng possibilities sa ating sarili. Some are happy because they choose to be happy. The choices are on our hands. E, ikaw? Ano bang choice mo? 
   Masarap maging masaya lalo na kung may ginagawa kang hakbang para sumaya ka. Pero kung wala ka namang ginagawa, pa'no ka kaya sasaya, di ba? Para kang naghihintay ng pagputi ng uwak at pag-itim ng tagak.      
   You know what, sa isang simpleng ngiti, makaka-attract na tayo ng good vibes at positive things. Sabi nga ni Mother Theresa of Calcutta, "Smile at each other, smile at your wife, smile at your husband, smile at your children, smile at each other---it doesn't matter who it is---and that will help you to grow up in greater love for each other." Biruin mo, di lang pala simple ang naidudulot ng isang payak na ngiti. Smile has the power to caress hearts and souls of those mournfuls. Nakatulong ka na, lumago pa ang iyong kaganapan bilang isang indibidwal. Sa tanong na kung pa'no ka sasaya, wala akong masasagot diyan. It depends on our own approaches, e. Pero may ilan akong alam na mga paraan para maging worth-engaging ang bawat araw. From there, malamang masusumpungan mo rin si happiness.

                                     
1. Always start and end your day with a smile. Sabi nga sa isang statement shirt ng Coca-Cola: "A smile a day keeps the badtrip away."

2. Indulge. Try to engage on activities na sa tingin mo ay malilibang ka. Shopping, writing, reading, watching films, or cooking will do.

3. Do things that you never experience to try. In this case, we have to undergo on a trial and error method. The outcome might bring fulfillment or frustration, but we have to be ready on such resulting consequences. If you never experienced mountaineering, then do it. Besides, there's no harm on trying.

4. Involve yourself in "life-saving" organizations. Life-saving in the sense na 'yung org na sasalihan mo ay worth-engaging. Life is too short to waste opportunities and time. Bakit di mo subukang sumali sa mga samahang tumutulong sa mga out-of-school youths o kaya ay sa mga campus-based organizations concerning göod works. Kaysa naman sa tumambay o magmukmok tayo sa isang tabi.

5. Give value to those persons around you. With that, pahahalagahan ka rin nila which might effectuate good relationship between the members of the group. Good relationship leads to happiness.

6. Affirm one's identity. Napapansin ko kasi na may ilang napu-frustrate dahil sa mga kahinaang tinataglay nila. Alam niyo, hindi sasaya 'yung mga taong walang kakuntentuhan kasi they will try to do worst things just to best their opponents or colleagues. Sabi nga ng pilosopong si Lao-Tzu: "When you are content to be simply yourself and don't compare or compete, everybody will respect you."

7. Watch or read inspirational films or books bombarded with lesson. By simply doing this, we will be able to change our perspective about life. We'll have at least the guts to conquer our fears. There, we could attain the happiness we are yearning for. 

8. Communicate with God. Gusto mo ng happiness di ba? Pwes, makipag-ugnayan tayo kay God. He's the only one who can bestow us the authentic and eternal happiness. Let us pray thoroughly, then our wants and needs will be granted.

   Sabi nga sa isang kantang pambata na kinakanta ko nung kinder pa ako, "kung ikaw ay masaya, tumawa ka. Haha. Kung ikaw ay masaya, tumawa ka. Haha. Kung ikaw ay masaya, buhay mo ay sisigla. Kung ikaw ay masaya, tumawa ka. Haha." Kitams? Kaya naman wag nating ibaon ang ating sarili sa sentimentality. Minsan din tayong nagpakalugmok sa kalungkutan. I think, it's time for us to come out from our shells and shout "hahaha."  
   Laugh as if this day would be our last. Laugh as if everything won't stop...as if we don't care 'bout disturbances for we just want to laugh. :D 
#L.O.L

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento