Ang Sabi Ni Hopeless Romantic...
(Confessions of A Hopeless Romantic)
"Palagi siyang nasa panaginip ko. Anumang gawing paglimot, di siya mawala-wala sa isip ko. Nakatatak na siya dito."
Daig niya ang mantsa sa tindi niyang kumapit sa puso't isip ko. Isang mantsang kahit anong pilit na pagtanggal, matindi ang kapit. Hanggang sa siya'y maging tatak na di na mabura-bura. Isang tatak na palaging nagpapaala-ala sa aking kumplikadong istorya. Tatak na may pulso...tatak sa aking puso.
Paano kung mag-transform ang lahat ng mga nakasanayan mo sa isang peculiar ambiance, tapos ikaw walang ideya sa kung anong nagaganap? As in clueless ka. Ang hirap 'no? Puro adjustments. Gaya ko. Parang dati lang, ang lahat ay ordinary. Simple o payak. Humihinga ako at patuloy na tumitibok ang puso ko. Ni minsan, di ko nga inakalang magfa-falter ang aking heartbeat na gaya ng nangyayari ngayon. Lahat ng ito nabago dahil sa kanya...siya na laman ng bawat panaginip ko. Siya na gugustuhin kong makasama sa mahabang panahon.
Alam mo yung pakiramdam na nakasama mo yung taong gustong-gusto mong makasama tapos ang saya-saya niyöng dalawa; kaya lang, bigla kang magigising at malalamang panaginip lang pala ang lahat? Kainis kaya. Masyadong paasa. Tayo naman, natural na umaasa. Tapos di ka pa makukuntento kaya pipilitin mong i-revive ang naputol na masayang panaginip. Kaso, di na talaga pwede. Eh di mas lalong masakit? Makakatulog ka nga kaya lang ibang scene na ang ipinapalabas sa panaginip mo. Wala rin, di ba. At some point, maaaring sumaya ako kasi nakasama ko siya sa panaginip ko pero deep inside, nasasaktan ako. Kasi posible lang ang mga bagay na gusto ko sa mundo ng kawalan. Eh, as if naman na gugustuhin niyang sumama sa akin sa mundo ng panaginip. Isa pa, ipinahihiwatig lang ng mga panaginip ko na ang makasama siya ay napaka-imposible pang mangyari. Kung sa panaginip pa nga lang, natatapos na ang istorya namin nang hindi pa nagha-happily ever after, sa totoong buhay pa kaya? Kaya naman, talagang gugustuhin kong matulog na lang din. Yung walang gisingan. Yung tipong tanging siya lang ang makakapagpabangon sa akin sa matagal na pagkakahimlay. Parang Sleeping Beauty lang.
Kahit mahirap at masakit, tinatanggap ko ang ganitong mga senaryo. Ganito ata talaga ang buhay naming mga hopeless romantic. Iniaasa ang lahat sa tadhana maging sa panaginip sa pagbabaka-sakaling masilayan ang hinahangaan. Seemingly, kasiyahan ang dulot nun sa amin kahit temporary lang. Kaya lang kaakibat nito yung masakit na parte eh---na gigising tayo at mare-realize nating iba pa rin pala kung ang lahat ay magiging bahagi ng reyalidad...na sana totoo na lang ang lahat. Yun nga lang, mapagiisip-isip mong hindi rin naman puwede. Kasi kumplikado. Kasi masyadong mapangarap, ambitious kumbaga. Di another pain na naman yun? Ganito...ganito ang palagi kong nararamdaman sa bawat araw, buwan at taong lumilipas. Yung feeling na kino-construct yung puso ko pag napapaginipan ko siya together with me; then bigla ring idine-demolish pag napagtatanto kong everything is within a dream. Kapag natulog naman ulit ako with matching sweetness overload 'coz of him, parang nire-reconstruct ulit si heart; kaya lang, pag nagising na ako karaka-raka ring inire-redemolish ang kaawa-awa kong puso. Tortured na nga ito sobra eh. Tipong battered heart lang. Abusadong-abusado niya. Kung pwede nga lang ipapakulong ko siya sa kasong heart abuse eh. Kaya lang napaka-unreasonable ng dahilan ko. Isa pa, nagpapa-abuso rin naman ako. Kaya medyo may fault din ako dun. Palagi siyang tumatakbo sa isip ko...gumugulantang sa'king puso.
Lumipas ang mga taon na puro pangarap. Mga pag-aasam na baka may chance. Na baka posible. Naisip ko nga, napaka-unfair ni Mr. Kupido eh. Yung feeling na tinamaan niya ako ng pana niya na naging dahilan para umibig ako sa taong 'to; pero siya mukhang di niya pinalasuhan. Nakaka-disappoint lang. Pero andun yung hope ko na baka papalasuhan din naman si crush ni Kupido. Di nga lang ngayon. Di bukas. Baka next next time pa. Ang problema, kailan naman kaya yung next next time na yun? Magbibilang pa ba ulit ako ng mga taon? Di ko alam. Bahala na...pero habang patagal nang patagal, lalo akong nahuhulog sa kanya eh kahit alam kong he's not there to catch me. At the same time, mas lalo akong nahihirapang sumuko sa nararamdaman ko. Wala eh. Tanga na kung tanga.
Ang hirap lang kasi patay na patay ako sa kanya samantalang siya walang pakialam sa presence ko. Nagkakasalubong kami pero wala akong makitang spark sa kanya na gaya ng sa'kin. Ni wala rin akong marinig na mala-drum rolls na sound effect sa puso niya. Ang plain. One-sided lang ang lahat. Minsan nga nang tumingin ako sa langit, may nakita akong wishing star. Dagli kong pinikit yung mga mata ko sabay sabi ng mga katagang: "Ibigay mo naman sa'kin 'tong taong to oh," habang nagpa-flash sa gunita ko yung mga nice features niya...mga simpleng rason kung bakit naa-abnormal si stupid heart. In fact, kabisado ko nga ang tunog ng kaniyang mga yabag. Sa tuwing naririnig ko ang mga yabag niya sa kalsada, ititigil ko ang anumang ginagawa ko para lang pagmasdan siyang nakatalikod habang papunta sa bahay nila. Di ko nga maiwasang mangarap na balang araw, sana mayakap ko ang likod niyang iyon. Na sabay kaming maglalakad papauwi sa aming bahay. Pero yung bulang naglalaman ng mga pangarap na ito, biglang puputok kasi alam ng isip kong di rin naman pwede. Ang sakit talaga. Parang ina-accupuncture ang puso ko. Mali at walang patutunguhan ang mga gusto ko pero patuloy kong pinaglalaban. Try lang. Pag napagod na akong mag-try, di tama na. I'm ready naman to face all the unforeseen possibilities. Of what might happen, I don't have any idea. All I know is I'll be working under positivity.
Tsaka ganito naman talaga pag love na ang usapan eh. Kahit alam mong ang paggawa ng isang aksyon na hindi tama ay makakasama sa'yo, di mo iniintindi. Kahit wala ng patutunguhan, pilit nating hinahanapan ng malulusutan. Malay natin, mag-work di ba? Yung tipong pamantayan ng ilan sa atin ang kasabihang, "Try and try until you die. If you die, at least you try." Isa pa, love really moves in the absurdest way. Ironic at the same time. We tend to love those who hurt and can't love us back. We also take risks and seize up all the chances just to find true love. Ako nga eh, di ba?
Para akong isang manlalaro na di pa man nagsisimula ang level 1 ng isang game, dehado na. At kahit alam kong dehado na ako, sumusugod pa rin ako. Kasi di ko naman ito ipu-push kung di mahalaga sa akin ang pinaglalaban kong premyo...ang love na patuloy na sine-search ng karamihan sa kung saan-saan kahit pa nga ata sa dulo ng walang hanggan. Corny pero wag mong itatanggi yung totoo. Ikaw din, sino ba ang niloko mo? Kaya nga nagpapakatotoo ako.
Saka, wala talaga eh. Lagi siyang laman ng mga panaginip ko. Anumang gawing paglimot, di siya mawala-wala sa isip ko. Nakatatak na siya dito. Tila isang tatak na may pulso...tatak sa aking puso.
-Hopeless Romantic
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento